Manila, Philippines – Pinirmahan ng 48 kongresista ang resolusyong
nananawagang magbitiw na sa pwesto si PCSO Board Member Sandra Cam.
Inihain nila House Minority Leader Danilo Suarez, House Dangerous Drugs
Committee Chairman Robert Barbers at Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ang
House Resolution 1777 para mag-resign na si Cam.
Ipinako-contempt din ng Kamara ang nasabing opisyal dahil sa tahasang
pag-akusa ni Cam kay Teves bilang operator ng Small Town Lottery sa
distrito nito.
Hindi na rin umano iginalang ni Cam ang kongresista pati na ang institusyon
ng Kamara nang pagsisigawan ito sa gitna ng hearing.
Ang akusasyong ito kay Teves ay ginawa ni Cam sa gitna ng imbestigasyon ng
Mababang Kapulungan sa mga iregularidad sa STL operations.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>