SIBAK | Mga opisyal at empleyado ng LTO sa dalawang bayan sa Nueva Vizcaya, pinatatanggal ni DOTr Secretary Arthur Tugade

Nueva Vizcaya – Pinasibak na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa bayombong at Aritao, Nueva Vizcaya.

Kasunod ito ng reklamong natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa umano ay pangingikil ng mga ito sa mga rice traders at truckers.

Base sa sumbong, umaabot sa P1-million kada araw ang nakokolekta ng ilang tauhan ng LTO mula sa libu-libong truck na naglalabas ng kanilang agricultural product mula Cagayan Valley.


Sabi ni Tugade, kailanman ay hindi siya mag-aalaga ng anay sa kanyang hanay.

Hinikayat din niya ang iba pang mga rice trader at truckers na huwag mangingiming magsumbong tungkol sa mga kurap na opisyal ng DOTr.

Suportado naman daw ni LTO Chief Edgar Galvante ang naturang desisyon nina Pangulong Duterte at Tugade.

Agad din namang nagtalaga si Tugade ng mga bagong opisyal at empleyado sa dalawang LTO district offices.

Facebook Comments