Negros Oriental – Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dismissal from government service laban kay Governor Roel Degamo ng Negros Oriental.
May kinalaman ang pagsibak sa serbisyo kay Degamo dahil sa maanumalyang paggamit sa budget ng probinsya noong 2013.
Batay sa record na hawak ng Ombudsman, pinilit na inilabas ni Degamo ang 10 million peso bilang kanyang intelligence fund gayong tinanggal na ito sa 2013 budget na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.
Dahil dito, pinasasampahan na rin ng Ombudsman ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act si Degamo sa Sandiganbayan.
Bukod sa forfeiture sa lahat ng kanyang retirement benefits at pagbabawal na kumuha ng Civil Service Exam ay hindi na rin maaari pang humawak ng anumang pwesto sa gobyerno ang dinismis na governor ng lalawigan ng Negros Oriental.