SIBAK | Pag-anunsyo sa sisibaking top-level government official, ipinagpaliban muna

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ngayong araw ng Malacañang ang nakatakdang pag-anunsyo sana sa pagsibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang top level government official.

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa interview ng RMN.

Ayon kay Roque – tinawagan siya ng Pangulo upang ipagpaliban muna ang pagsibak sa hindi pa pinangalanang presidential appointee.


Paliwanag ng opisyal – may mga dokumento kasing pinag-aaralan ngayon si Pangulong Duterte na posibleng maging ebidensya ng katiwalian laban sa nasabing opisyal.

Nabatid na gagawin sana ng Pangulong Duterte sa unang araw ng 2018 ang pagsibak dito, pero pinayuhan siya na gawin na lang anumang araw ngayong linggo para hindi masira ang pagsalubong niya sa Bagong Taon.

Facebook Comments