Sibakan sa Department of Transportation, iginiit muli ng isang kongresista

Manila, Philippines – “Heads must roll.”

Ito ang muling binigyang diin ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasunod ng aberya kahapon sa MRT3 kung saan kumalas ang bagon ng tren sa may Ayala station.

Giit ni Casilao, sapat na ang anim na buwan para magawa ng Department of Transportation (DOTr) na resolbahin ang problema sa operasyon ng MRT.


Pero pagkatapos ng anim na buwan at hindi pa rin nasosolusyunan ang problema sa MRT ay dapat na sibakin na sa pwesto ang mga DOTr officials at palitan ng mga mas competent na mamumuno dito.

Para sa mambabatas, sapat na ang anim na buwan para makabuo ng drastic measures ang DOTr para ayusin ang madalas na problema sa MRT.

Dagdag ni Casilao, sa araw-araw na problema sa MRT at sa araw-araw din na hindi ito nasosolusyunan ay nakukulangan na sa panahon ang DOTr para ayusin pa ang problema kung hindi ito agad maaaksyunan.

Facebook Comments