Sibilyan na Binuhat ng mga Pulis at Sundalo Gamit ang Duyan, Umani ng Papuri

Cauayan City, Isabela- Pinapurihan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga pulis at sundalo sa kanilang ginawang pagtulong sa isang may sakit na sibilyan na madala sa ospital gamit ang isang duyan.

Nagtulungan ang tropa ng Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Charlie Company ng 54th Infantry Battalion at ilang sibilyan para buhatin ang nangangailangan ng tulong na si Larry Segundo na noo’y nahihirapang makahinga.

Ikinabit ang duyan sa bamboo pole sa magkabilang dulo at binitbit si Segundo hanggang sa maibaba mula sa mataas na lugar na tinitirhan nito na hindi nararating ng anumang uri ng sasakyan.


Matagumpay namang naidala sa isang ospital sa Ankileng, Sagada ang pasyente matapos ang ilang oras na paglalakbay ng mga nagboluntaryong tumulong na pulis at sundalo.

Facebook Comments