Pinapayagan na ang pagbiyahe ng mga motorsiklong may sidecar sa national highway.
Ito ay upang maibsan ang kalbaryo ng mga commuters na nagbalik-trabaho na sa harap ng limitadong public mass transportation.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari nang bumiyahe ang mga may sidecar sa mga highway ngayong karamihan sa lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.
Matatandaang una nang ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang paggamit ng mga sidecar sa motor ngayong hindi pa rin pinapayagan ang pag-angkas sa motorsiklo upang masunod ang social o physical distancing.
Facebook Comments