Kasabay ng paglulunsad ng #SIGNnewBBL
Sa isang manifesto na inilabasng SIGN BBL movement, kinikilala nito ang administrasyong Duterte at ang MILF sa nagpapatuloy na pagsisikap ng mga ito na nakita sa serye ng mga pulong noong September 4, 14, and 20, 2017 na naging daan upang i-endorso ng Pangulo bilang “Urgent Bill” ang BBL.
Ang #SIGNnewBBL Movement ay binubuo ng mga coalition ng malawak na networks ng Bangsamoro, Filipino civil society at grassroots organizations sa buong Mindanao.
Umapela rin ang #SIGNnewBBL Movement sa mga nakakaramdam na ng pagod sa ilang dekada nang paghihintay para sa panghabang-buhay na kapayapaan sa Moro Homeland na pigilin ang nararamdamang kabiguan, manatiling kalmado at mahinahon, bigyan ng tsansa ang peace process at ang benefit of the doubt sa kauna-unahang Mindanaoan President na may political will na tuldukan at resolbahin ang Mindanao Question.
SIGN BBL Movement, pinuri ang Duterte administration, MILF sa kanilang patuloy na mga pagsisikap upang maipasa ang BBL!
Facebook Comments