Magpapatupad ang pulisya ng signal jamming sa ilang bahagi ng Quezon City sa araw ng ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Vicente Danao Jr., nagkasundo rin ang local government unit (LGU) at mga raliyista na magsagawa lamang sila ng pagkilos sa limitadong lugar.
Ito ay upang maiwasan ang pagbigat ng trapiko at mapigilan ang hawaan ng COVID-19.
Ang mga anti-Duterte protesters ay maaari lamang mag-rally hanggang sa St. Peter’s Chapel sa Tandang Sora, Quezon City habang wala pang espesipikong lugar para sa mga pro-Duterte.
Nanawagan naman si Danao sa mga mag-raliyista na makiisa sa contact tracing at sumunod sa public health protocols lalo na ngayon na nahaharap ang bansa sab anta ng mas nakakahawang Delta variant.
Sa ngayon, wala pang nakikitang banta sa seguridad pero hindi aniya magpapakakumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay sa SONA ng pangulo.