Signal jamming, ipinatupad kasunod ng kapistahan ng Sto. Niño Ati-Atihan sa Aklan

Aklan – Simula ngayon araw hanggang bukas, magkakaroon ng signal jamming sa mga mobile phone ang mga telecommunication companies sa lugar na pagdarausan ng street dancing, misa at prusisyon bilang highlights ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2019 sa Aklan.

Kasunod na rin ito ng utos ng National Telecommunications Commission at Philippine National Police na pansamantalang i-shutdown ang mobile services.

Tiniyak naman ng mga naturang telecom na ibabalik nila ang kanilang serbisyo sa oras na may go-signal ang mga awtoridad.


Samantala, umabot na sa 1,500 pulis ang ipinakalat ng Police Regional Office (PRO)-6 para maisakatuparan ang zero major crime incident sa kapiyestahan ni sr. sto. Niño de Kalibo.

Bantay-sarado ng mga otoridad ang kapiyestahan laban sa mga krimen at iligal na droga.

Katuwang din ng pulisya sa pagbabantay sa Ati-Atihan ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments