Itinaas na ng pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa 18 lugar sa bansa bunsod ng Tropical Depression Tonyo.
Ayon sa pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 kilometro Timog, Timog Silangan ng Alabat, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga, Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras at dadaan sa bisinidad ng Marinduque at Mindoro Provinces.
Sa ngayon, nasa Signal no. 1 ang mga sumusunod
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– mga lugar sa Kanlurang bahagi ng Albay
– mga lugar sa kanlurang bahagi ng Masbate
– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Batangas
– Metro Manila
– Bataan
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
– Calamian Islands
– mga lugar sa hilagang kanlurang bahagi ng Aklan
– mga lugar sa hilagang bahagi ng Antique
Pero ayon sa PAGASA, inaasahang nasa bahagi na ng West Philippine Sea na ang bagyo mamaya at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.