‘Significant improvement’ sa kalidad ng tubig sa Manila Bay, naitala ng DENR

Naitala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ‘significant improvement’ sa kalidad ng tubig sa Manila Bay na resulta ng patuloy na rehabilitasyon ng lahat ng river systems at daluyan ng tubig sa loob ng bay region.

Batay sa datos ng Environmental Management Bureau–National Capital Region, noong Hunyo 2022, ang fecal coliform level sa Manila Bay beach nourishment station malapit sa United States Embassy in Manila ay bumaba sa 2,400 most probable number per 100 milliliters (MPN/100mL) mula 7,100 MPN/100mL noong 2021.

Nagtala rin ang dalawang water quality monitoring stations malapit sa Dolomite Beach ng mababang fecal coliform levels – mula 7,300 MPN/100mL ay naging 1,700 MPN/100mL, at mula 10,200 MPN/100mL ay bumaba sa 2,100 MPN/100mL, ayon sa pagkakasunod.


Nakapagtala rin ang apat na Metropolitan Environment Offices ng ‘significant decrease’ sa fecal coliform levels sa loob ng kanilang mga lugar.

Bumaba ang fecal coliform levels sa Malabon-Navotas-Tullahan-Tinajeros River System mula 3.7 billion MPN/100mL ay naging 4.8 million MPN/100mL.

Gayundin ang tubig malapit sa Navotas Fishport, mula 920,000 MPN/100mL pababa ng 9,200 MPN/100mL.

Ayon kay EMB-NCR Regional Director Michael Drake Matias, binabantayan ng EMB-NCR ang 412 monitoring sampling stations na nasa iba’t ibang anyong tubig sa Metro Manila.

23 istasyon, kabilang ang mga istasyon na malapit sa Dolomite Beach, Rizal Park Hotel, at US Embassy, ay binabantayan tatlong beses sa isang linggo.

Facebook Comments