Signs na Marupok ka Pagdating sa Pag-ibig

Gaano nga ba kabilis ma-inlove? Totoo bang wala pa sa isang oras ay kaya mo na agad ma-fall into love? Yung tipong nagkatitigan lang kayo, tapos nakaramdam ka na agad ng sparks, tapos kinonsider mo na agad ‘yun bilang Pag-ibig? Pero in reality, electric sparks na pala talaga ‘yun tapos masyado ka lang assuming.

Naranasan mo na bang magmahal agad? Oh sadyang puntirya ka lang talaga ni Kupido kaya ang bilis bilis mong magmahal. Kaya ang rupok rupok mo! Lagi kasing ikaw ang tinatamaan ng pana ni Kupido. Mapaglaro ang tadhana, kaya’t mas husayan mo ang paglalaro mo. Mananalo o matatalo ka lang naman eh. Dalawa lang ang pagpipilian.

Ganito kasi ang nangyayari, idol. May makikilala kang someone tapos magkaka-mabutihan kayo. Tapos mararamdaman mo na parang iba na, tapos may kakaibang pakiramdam kapag kausap mo siya at kapag nandyan siya.


Dahil doon, gustong gusto mo na kasama siya. Kapag wala naman siya sa tabi mo, nakikita mo siya sa lahat ng bagay. Yung mukha niya ay naalala mo sa bawat matatamaan ng mata mo. Sa ulap, sa baso, sa unan, sa pagkain, o kahit sa panaginip mo, nakikita mo pa rin siya. Lagi mo siyang naalala. Yung tipong kahit aso ninyo kamukha na rin niya?

Siyempre, level two. Bigyan ka lang ng atensyon ng isang tao, mahal mo na agad. Nagpasama lang sayo somewhere, feeling mo date na agad. Nag-movie lang kayo together, sweet na agad. Nag-good night lang sayo, mahal mo na agad?

Minsan din kasi ang nakakalungkot kapag na-fall ka na ay hindi pala mutual yung feelings na nararamdaman ninyo. At syempre, dahil marupok ka nga, gustong gusto mo pang sabihin sa kanya para maiparamdam mo kuno. Pero hindi nga mutual ang feelings ninyo, ending, iyak iyak ka ngayon.

At dahil nasaktan ka nga. Akala mo kaaway mo buong mundo. Sa tuwing magpapatugtog ng kanta, pakiramdam mo lagi tungkol sa inyong dalawa. Masyado mong na-aapreciate mga kanta nila Adele, Bruno Mars, Sam Smith at Ed Sheeran bigla. Instant fan ka nila bigla. Tapos mag-titweet ka pa ng mga lyrics ng kanta dahil nga nasaktan ka. Damang dama mo eh. Ramdam na ramdam mo. Attached ka agad dahil dyan karupukan mo.

Hindi ka naman namin masisi dyan, idol. Kung marupok ka, mabilis kang ma-fall, at mababa ang level of attraction mo, laban pa rin naman. Iba-iba rin naman kasi talaga ang mga tao. Pero limit yourself. Know your grounds! Hindi puwedeng ibibigay mo na agad agad. Matuto ka ring makiramdam sa ibang tao at sa sarili mo. Alamin mo kung nasaan ka na ba ngayon? Ano ba talaga status mo ganern? Paano nga ba maiiwasan ang pagiging marupok mo? O paano mo masasabing marupok ka pagdating sa pag-ibig? O kung siya na ba talaga ang perfect one para sayo?

Bago tayo magpaka-fall into love. Love ourselves first. Ang sarap magmahal! Tandaan, masarap umibig kahit na bigo kaysa naman bigo ng hindi umibig.


Article written by Leogene Bomitivo

Facebook Comments