SIGURADO | Gen. Bato dela Rosa, tiyak na ang pagtakbo bilang Senador

Manila, Philippines – Sigurado nang tatakbo bilang senador sa 2019 elections si Bureau of Corrections Chief General Ronald Bato dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, ang desisyon niya ay kasunod ng go signal na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang mataas na posisyon niya sa mga survey.

Pangunahing panukala na planong ihain ni dela Rosa sa oras na manalo siyang Senador ay ang pagbabalik ng parusang kamatayan laban sa mga drug pushers.


Tiniyak naman ni dela Rosa na kapag sya ay naging Senador hindi nya gagawin sa mga resource person sa pagdinig ng senado ang ginawang pamamahiya at pagwalang hiya sa kanya kaya sya ay napaiyak sa senate hearings.

Si dela Rosa, kasama sina OFC of the civil defense deputy administrator Nicanor Faeldon, at aktor na si Philip Salvador ay nanumpa bilang mga bagong miyembro sa PDP laban na pinamumuan ni Senator Koko Pimentel.

Facebook Comments