Siklista sa Roxas Isabela, Nabangga ng PNB Armored Van-Patay!

Roxas, Isabela – Patay kahapon ang isang siklista matapos na mabangga ng PNB armored van sa National Highway ng San Pedro, Roxas, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station na ang biktima ay kinilalang si Roberto Goron Gonzales, dalawampu’t dalawang taong gulang, binata, magsasaka at residente ng Munoz West, Roxas Isabela.

Samantala ang suspek at drayber ng armored van ay kinilalang si Alexander Butac Quimo, apatnapung taong gulang at residente ng Patul, Santiago City.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Bunagan na habang minamaneho umano ng biktima ang kanyang bisekleta patungong hilagang direksyon ay biglang tumawid sa nasabing daan na sanhi ng kanyang pagkakabangga ng Armored Van na patungong Santiago City kung saan ay mula ito sa Central Bank ng Tuguegarao City, Cagayan.

Sa resulta ng pagkakabangga ng biktima ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Itinakbo sa Manuel Roxas District Hospital ang biktima ngunit dead on arrival na ito, habang ang armored van at ang drayber ay dinala sa PNP Roxas para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments