Silangang bahagi ng Luzon, makararanas pa rin ng ulan hatid ng hanging amihan

Malaking bahagi ng bansa ang uulanin pa rin.

Ito ay dulot pa rin ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – umiiral ang amihan sa Luzon at ramdam din sa ilang parte ng kabisayaan.


Kaya asahan ang mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon, maging sa Eastern Visayas.

Magkakaroon naman ng isolated thunderstorms sa Mindanao lalo na sa Caraga Region.

Sa Metro Manila, mataas ang posibilidad ng pag-ulan ngayong araw.

Facebook Comments