Japan – Dahil may ilan sa atin ang nahihiya at conscious na baka marinig ng tao sa labas ang ginagawa natin sa loob ng banyo.
Isang toilet sound generator ang inimbento ng electronic company na ‘Roland’ sa Japan – ito ay ang “Sound Decorator.”
Layon ng device na tanggalin ang mga embarrassing bathroom noises gaya ng tunog ng pag-ihi, pag-dumi at pag-flush ng toilet bowl.
Nagpo-produce kasi ito ng tunog na pwedeng sumapaw sa mga bathroom noises gaya ng serene forest sound, songbirds at iba pang relaxing sounds.
Nagkakahalaga ng 21, 800 yen hanggang 32, 800 yen ang device o katumbas ng sampu hanggang labing limang libong piso.
Facebook Comments