Monday, September 7, 2026

SILG Jonvic Remulla, mas nag-alala na baka may masuntok si VPSD na nag-se-serve ng warrant

Mas nag-alala si DILG Secretary Jonvic Remulla na baka may masuntok na CIDG personnel sa pagsisilbi ng warrant kay Vice President Sara Duterte.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay nang tanungin ito kung nag-aalala ba sila na may magprotesta kung kaya’t hindi nila agad inaresto ang bise.

Ayon kay Remulla, nangyari na rin umano noon ito sa Davao, na may sinuntok ang bise na nag-se-serve ng warrant na isang Sheriff.

Ayon pa sa kanya, ibinigay kay VP Duterte ang karampatang kortesiya bilang ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Binigyang-diin ng kalihim na walang naging harassment sa pagsisilbi ng warrant kay VP Sara para sa kasong grave threats, walang SWAT team at mga babaeng pulis na hindi armado ang nagtungo sa bahay at opisina ng bise.

Facebook Comments