
Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na hindi sya ang aaresto kay dating Presidential Spokesperon Harry Roque na kasalukuyang nasa Austria.
Kasunod ito ng pahayag ni Roque na walang kapangyarihan si Remulla na arestuhin sya sa nasabing bansa.
Ayon kay Remulla, kanselado na ang passport ni Roque ngunit wala siyang red notice.
Dagdag pa nito, hindi ibig sabihin ng kanyang pahayag na personally arrest ay sya ang aaresto dahil wala naman umano itong awtoridad para rito kundi makikipag-ugnayan ito sa mga kaukulang awtoridad para ito ay isagawa.
Samantala ayon pa kay Remulla, isasagawa ang mga kaukulang hakbang kung ang nasabing arrest ay nai-warrant na.
Facebook Comments










