
“Ang drama nila, gusto nilang makulong siya”
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kaugnay ng pagsisilbi ng warrant of arrest kay Vice President Sara Duterte para sa kasong 3 counts ng Grave Threats na isinampa sa kanya.
Ibinunyag ni Remulla na nag-request ang kampo ni VP Duterte na makulong ito sa Camp Crame kaugnay ng kanyang kasong grave threats.
Binigyang-diin ni Remulla na hindi sila pumayag na ihalo ito sa regular na piitan at ginawa ang mga hakbang na naayon sa batas.
Nagbago umano ang isip ng kampo ni VP Duterte at pumunta na lamang diretso sa Quezon City Hall of Justice para makapagpyansa ito.
Facebook Comments










