SILIPIN | Bilateral agreement ng bansa sa Kuwait, ipinare-review sa DFA

Manila, Philippines – Hiniling ni Kabayan PL Rep. Ciriaco Calalang kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na i-review ang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng pitong OFWs mula sa Kuwait na nakaranas umano ng pang-aabuso sa kanilang mga amo.

Giit ni Calalang, dapat na silipin ng DFA ang kasunduan sa Kuwait at baka kailangan na itong putulin at tuluyang isantabi dahil sa hindi magandang pagtrato sa ating mga domestic workers.


Hinimok din ng kongresista na obligahin ang Kuwait government na magpaliwanag kung ano ang dahilan sa pagkamatay ng pitong OFWs.

Dagdag pa nito, dapat matiyak ni Cayetano na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng pitong OFWs at bibigyan ng tulong ang mga naiwang pamilya ng mga ito.

Facebook Comments