SIM card listing, makatutulong laban sa online sexual exploitation sa mga bata

Ipinaliwanag ni Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin “Win” Gatchalian na ang mandatory paglista ng Prepaid Subscriber Indentification Module Cards ay isang potential mechanism upang makatulong sa government crackdown kontra sa Online Sexual Exploitation of Children (OSEC).

Ayon kay Gatchalian, ang kawalan ng SIM card registration ay isa sa problema na kinakaharap ng mga otoridad sa pagsiwata sa child cybersex offenders.

Base sa inihaing panukala ng senador na Senate Bill No. 176 o ang SIM Cards Registration Act, inoobliga ang end users ng prepaid SIM cards na magpresenta ng Valid ID at larawan sa control-numbered registration form na inisyu ng service provider ng biniling SIM card.


Batay sa The Philippine Online Student Tambayan (POST), isang news portal sa student sector, ginagamit ang online payment platforms para sa ganitong uri ng transaksyon.

Facebook Comments