SIM Card Registration Bill, ganap nang batas matapos pirmahan ni PBBM

Batas na ang panukalang nag-oobliga sa pagpaparehistro ng phone users sa kanilang SIM card o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.

Ito ay matapos na pirmahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga.

Isa ito sa nakikitang paraan para mahinto na ang text scams o panloloko gamit ang iba’t ibang mobile numbers.


Ang SIM Registration Act ang unang panukalang batas na inaprubahan ng pangulo.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng ibinebentang SIM cards ay deactivated muna at saka lamang gagana kapag nairehistro na sa Public Telecommunication Entity (PTE).

Para naman sa lahat ng existing subscribers, kailangang iparehistro ang kanilang sim cards sa PTEs sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng batas.

Dumalo sa signing Ceremony kanina sina Vice President Sara Duterte Carpio, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Executive Secretary Lucas Bersamin at iba pang matataas na opisyales sa gobyerno.

Facebook Comments