SIM card registration law, dapat maipasa bago ang kampanya

62

Umapela si Senator Manny Pacquiao sa mga kasamahang senador na ipasa ang SIM Card Registration Act bago pumasok ang panahon ng kampanya.

Sabi ni Pacquiao, ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa pa lalo ng text scams dahil sa nalalapit na May 2022 elections.

Sa ilalim ng panukala ay inoobliga ang mga tao na magrehistro ng kanilang Subscriber Identification Module (SIM) card.


Layunin ng panukala na mapigilan ang walang habas na paggamit ng mga mura at disposable na SIM cards para sa iba’t ibang uri ng krimen at panloloko.

Personal na isyu para kay Pacquiao ang paglipana ng text scams sapagkat madalas gamitin ang kaniyang pangalan sa mga panloloko.

Diin ni Pacquiao, napakahalaga na maisabatas ang SIM registration lalo na ngayon na madaling maloko ang marami bunsod ng desperasyon na magkaroon ng biglang pera dahil na rin sa kanilang nararanasang kahirapan dulot ng pandemya.



Facebook Comments