Nililinis at inihahanda na ang Annunciation of the Lord Parish o mas kilala bilang Simbaan Ya Bato para sa nakatakdang pagdating ng labi ng dating mambabatas sa Sabado, Pebrero 14.
Ayon sa pamunuan ng simbahan, simula Miyerkules nagsimula na ang malawakang paghahanda dahil sa inaasahang pagbisita ng maraming Pangasinense at supporter ni De Venecia Jr.
Magdadaos pa ng maikling necrological program sa Dagupan City Plaza na susundan ng dalawang oras na public viewing bago idiretso sa Simbaan Ya Bato, kung saan nakatakdang pangunahan ng arsobispo at obispo ang magkasunod na vigil mass hanggang Linggo, bago dalhin ang labi patungong Batasang Pambansa sa Lunes, Pebrero 16.
Kaugnay nito, ipatutupad ang temporary road closure mula Caranglaan hanggang Mayombo Road sa Sabado, February 14, 2026, mula alas otso hanggang alas diyes ng umaga.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta para hindi maabala habang isinasagawa ang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









