Simbahan ng Quiapo, apat na araw sarado sa publiko

Inihayag ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na pansamantalang sarado muna ito sa publiko bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Batay sa kanilang abiso, sarado ang simbahan simula ngayong araw Enero 3 hanggang 6, 2022.

Ayon kay Father Douglas Badong, ang Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, isasara pansamantala, dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.


Aniya bahagi rin ito ng preventine measure at pakikiisa ng Simbahan ng Quiapo upang maiwasan ang nasabing virus.

Sinabi rin ni Father Badong, nasa oras na sarado ang simbahan, magsasagawa naman ng disinfection o paglilinis sa loob at sa paligid nito bilang paghahanda sa Traslacion ngayong taon.

Kaya apela niya sa mga deboto, huwag munang magtungo sa Simbahan ng Quiapo at makiisa lang muna sa kanilang mga online mass.

Facebook Comments