2 Siyudad sa Isabela, Pasok sa Top 50 na Pinakamayamang Lungsod sa Pilipinas

39
Cauayan City, Isabela- Kabilang ang Santiago City at City of Ilagan, Isabela sa Top 50 na pinakamayamang Lungsod sa buong Pilipinas.

Ito ay kung pagbabasehan ang kabuuang Asset Value ng mga naturang siyudad.

Batay sa datos na inilabas ng Commission on Audit (COA), nasa number 44 ang Santiago City na mayroong 4,820,000,000 na net assets sa taong 2019 at 5,470,000,000 sa 2020.

Pang top 50 naman sa pwesto ang City of Ilagan na mayroong net assets na 3,380,000,000 sa 2019 at 4,840,000,000 sa 2020.

Samantala, ang Tuguegarao City naman ay nasa 67 na pwesto na may net assets na 3,420,000,000 sa 2019 at 3,740,000,000 sa 2020.

Facebook Comments