Pari sa Nueva Vizcaya, Nasawi sa Aksidente!

Bambang, Nueva Vizcaya – Binawian ng buhay ang isang pari sa Barangay Indiana, Bambang Nueva Vizcaya matapos na bumangga sa ten wheeler truck ang sinasakyan nito kahapon ng madaling araw.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Incpector Villegas Pauig Claveria ng PNP Bambang Nueva Vizcaya, aniya ang pari ay kinilalang si Father Silverio Ablaza, Catholic Priest at School Director ng Saint Teresitas Acadeny sa Aritao Nueva Vizcaya.

Sinabi pa ni Inspector Claveria na nasugatan naman ang dalawang kasama ni Father Ablasa na sina Father Rene Calagui at Tessie Aliac.


Batay umano sa pangyayari, papauwi ang pari at mga kasama nito sakay ng Toyota Revo at sa palikong parte ng daan partikular sa Barangay Indiana ng Bambang ay nagkabanggaan ang sasakyan ng pari at ng 10 wheeler truck.

Sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang pari na dinala agad sa Veterans Regional Hospital ngunit hindi nakaligtas si Father Ablasa.

Samantala nakilala naman ang drayber ng truck na si Montano Madarag ng Natividad, Nueva Ecija.

Facebook Comments