MANILA – Hinikayat na ng simbahang katoliko ang mga deboto na magsalita na laban sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa gitna ng ‘war on drugs’ ng Duterte administration.Sa pastoral letter ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, Archbishop Socrates Villegas, maituturing umano na kasabwat o pagsang-ayon ang pananahimik laban sa extrajudicial killings.Nababahala rin ang simbahan sa hindi pagpalag ng mga Pilipino o pagkatakot na umalma sa araw-araw na pagpatay.Dahil dito, hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kanino papanig ang taumbayan.Nanindigan ang CBCP na kung pababayaan lang ang pagpatay sa mga drug pusher at user ay nagiging bahagi rin ang taumbayan sa naturang problema.
Facebook Comments