Naglunsad ng imbestigasyon ang Simbahang Katolika matapos bumalik na buntis ang dalawang madreng nanggaling sa missionary work.
Nabibilang sa magkaibang kumbento sa Sicily, Italy ang dalawang madre na parehong naglakbay sa Africa.
Ayon sa Italian News Agency na ANSA, napag-alaman ng isa sa mga babae na buntis siya makaraang pumunta sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Mula sa Militello, inilipat umano ang 34-anyos na madre sa Palermo bilang paghahanda sa panganganak at maaaring pag-alis sa buhay monasteryo.
Habang ang isa naman na napaulat na Mother Superior ay umuwi sa Madagascar matapos mapag-alamang isang buwan nang buntis.
“An investigation has been launched. They both breached strict rules of chastity but the welfare of their children is uppermost,” pahayag sa The Sun ng isang source sa simbahan.