Simbahang katolika, nananawagan sa publiko na manatiling mahinahon at kalmado kasunod ng patuloy na pagtugis sa mga natititrang miyembro ng Abu Sayyaf

Manila, Philippines – Kasunod ng patuloy na pagtugis sa mga natititrang miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol, nananawagan ngayon ang simbahang katolika sa publiko na manatiling mahinahon at kalmado.

Sinabi ni Fr. Chito Lozada, Director ng Social Action saTalibon Diocesan, bagamat normal sa publiko na makaramdam ng takot dahil sa nangyayaring kaganapan sa Bohol, mas mainam parin aniya na magtiwala sa sandatahang lakas ng Pilipinas, lalo’t una na rin namang nilang siniguro sa publiko na kontrolado na nila ang sitwasyon.

Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ni Fr. Lozada ang publiko na manatiling vigilante, tuwing lalabas at magtutungo sa matataong lugar.


Matatandaang, April 11, nang magumpisa ang sagupaan sa Inagbanga, Bohol dahil sa banta ng Abu Sayyaf para sa ASEAN Summit.

Facebook Comments