Manila, Philippines – Naniniwala ang simbahang katolika na state sponsored o estado ang nasa likod ng sunod-sunod na patayan sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Fr. Amado Picardal ng Baclaran church at miyembro ng grupong rise up, personal na silang magsusumbong sa United Nations.
Una nang sinabi ng Commission on Human Rights na wala pa rin silang nakakalap na matibay na ebidensya na magpapatunay sa isyu ng state-sponsored killings sa bansa.
pero sabi ni CHR Commissioner Gwen Pimentel-Gana, maliwanag itong Extra Judicial Killings na gawa ng mga vigilante at hindi ito dapat ipagwalang bahala lalo na’t hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga nagaganap na patayan.
Sa susunod na buwan, isasara na ng komisyon ang imbestigasyon sa hawak nitong 490 drug related cases.
Habang sa mayo magrerekomenda na sila ng mga hakbang sa mga ahensya ng gobyerno.
Una nang sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na maging siya ay tutol sa mga patayan kaya’t imposibleng ang hanay ng PNP o gobyerno ang nasa likod ng nagaganap na EJK sa bansa.
Facebook Comments