Simbahang katolika sa Iligan, nagbabala sa mga nagpapanggap na humihingi ng donasyon para sa mga bakwit sa Marawi

Manila, Philippines – Nagbabala ang diocese ng Iligan sa publiko kaugnay sa mga scammer na humihingi ng donasyon para sa mga apektadong residente ng Marawi.

Sa inilabas na pahayag ng simbahan – may mga taong ginagamit ang pangalan ng Diocese of Iligan at Prelature of Marawi para manloko at makahingi ng pera.

Payo nito sa publiko, idiretso na lamang sa simbahan ang anumang tulong na ibibigay sa mga bakwit ng Marawi.


Facebook Comments