Simbahang Katoliko, handang makipag-ayos sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng dayalogo

Handa umano ang Simbahang Katoliko na makipag-ayos sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng isang dayalogo.

 

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),  may nakatakda nang pag-uusap sa pagitan nila at ng gobyerno pero wala pang tiyak na petsa ukol dito.

 

Pero imbes na si Pangulong Duterte ay mga cabinet secretaries ang kanilang makaka-usap.

 

Matatandaang ilang beses binanatan at pinasaringan ni Pangulong Duterte ang simbahan dahil sa pagtutol nito sa kampanya ng kanyang administrasyon kontra iligal na droga.

 

Muli namang iginiit ng simbahan ang kanilang pagtutol sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan sa bansa.

 

Aniya, ang parusang kamatayan ay hindi sagot sa malalang kriminalidad sa bansa at sa halip ay ayusin na lamang ang criminal justice system ng bansa para hindi makalusot ang tunay na kriminal at hindi maparusahan ang mga mahihirap.

Facebook Comments