Simbahang Katoliko, nakiisa sa paggunita ng Battle of Manila

Nakibahagi ang Archdiocese of Manila sa isang buwang paggunita ng Battle of Manila na bahagi ng madugong kasaysayan ng bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nagsimula ang paggunita kahapon, February 3 na magtatapos sa March 3, 2021.

March 3, 1945 kasi nagwakas ang labanan para mapaalis ang puwersang Hapon na sumakop sa bansa.


Kasabay ng pag-alaala sa mga biktima ng digmaan, nanawagan ang simbahan ng pagtutulungan para mapanatili ang kapayapaan sa mundo at ang pakikiisa sa mensahe ni Pope Francis na “Never War Again “.

Kahapon, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno, US Embassy Charge de Affaires John Law, Chinese Ambassasor Huang Xillian at mga ambassador mula Australia, Canada at Mexico ang paggunita sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa puting krus sa loob ng Fort Santiago sa Intramuros, Manila.

Facebook Comments