Simbang gabi guidelines, inilbas na ng Archdiocese of Manila

Naglabas na ng panuntunan ang Archdiocese Of Manila sa nakatakdang simbang gabi ngayong taon.

Sa inilabas na kalatas na pirmado ni Archbishop Jose Cardinal Advincula, arsobispo ng Maynila – maaring magsimula ang misa ng alas-7:00 ng gabi at ang pinakahuling misa para sa madaling araw ay alas-5:30 ng umaga.

Kabilang din sa inilabas na panuntunan ay ang anticipated mass kung saan pinapayagan ito maliban sa anticipation mass ng Lunes kung saan inuuna ang principle of primacy of Sunday.


Sa mga anticipated mass maaaring gamitin ang mga dasal at pagbasa para sa mga susunod na araw maliban na lamang tuwing Linggo.

Sakali naman na magkakaroon ng pagdiriwang ng simbang gabi sa ibang lugar maliban sa simbahan ay kinakailangan itong dumaan sa Archdiocese ng Maynila para sa permit.

Hinihimok naman ng arsobispo ang lahat na gawing payapa ang simbang gabi na kaugalian tuwing panahon ng kapaskuhan.

Facebook Comments