DFA Usec. de Vega, bumisita sa Egypt

Personal na binisita ni Foreign Affairs (DFA) Undersec. Eduardo de Vega ang mga Pinoy na lumikas sa Egypt mula Gaza.

Nagtungo rin si de Vega sa Rafah crossing kung saan binisita niya ang mga Pinoy na tumawid sa border mula Gaza.

Kabilang din sa dinalaw ni de Vega ang mga Pinoy na nagpaiwan sa Egypt dahil sa mga personal na kadahilanan.


Nagtungo rin sa Israel si de Vega para alamin ang kalagayan ng mga Pinoy doon sa harap ng bakbakan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.

Facebook Comments