Simpatya at pagiging patas sa POGO, apela ni Representative Fidel Nograles sa pamahalaan

Umapela si House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa gobyerno na pairalin ang pagiging patas at pakikisimpatya sa mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Panawagan ito ni Nograles sa harap ng napipintong pagpapadeport ng Bureau of Immigration sa 48,000 illegal POGO workers.

Katwiran ni Nograles, kailangang balanse at makatao ang mga polisyang papairalin natin kaugnay sa undocumented POGO workers.


Diin ni Nograles, ito ay dahil marami rin tayong kababayan sa ibang bansa na inihihingi natin nang maayos na pagtrato.

Paalala pa ni Nograles, ang Pilipinas ay saklaw rin ng mga international statute at signatory din tayo sa United Nations conventions on labor ukol sa pagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga dayuhang manggagawa.

Bukod dito ay iminungkahi ni Nograles na pag-aralang muna nang mabuti ang mga hirit na tuluyan nang ipagbawal ang POGO sa bansa bago magpasya.

Facebook Comments