RMN Foundation, tumanggap ng award sa Asia CEO Awards

Tumanggap ng award ang RMN Foundation ng Radio Mindanao Networks Incorporated bilang CSR Company of the Year Awardee.

Iginawad ng Asia CEO Awards ang pagkilala sa RMN Foundation sa awards night na ginanap sa Marriot Hotel sa Pasay City.

Pinangunahan nina RMN Networks Inc. Executive Vice President and Chief Operating Officer Enrico Guido “Rico” Canoy at RMN Foundation Head Rhoda Navarro ang pagtanggap sa nasabing award.


Ang CSR o Corporate social responsibility Company of the Year Award na iginawad sa RMN Foundation ay sa harap ng patuloy na charitable projects nito sa iba’t ibang mga komunidad na higit na nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng kalamidad at pandemya.

Ang Asia CEO Awards ay ang grandest business awards sa Pilipinas at sa Asian Region na nilalahukan ng malalaki at maliliit na mga negosyante gayundin ng local at international companies, mga executive na kinabibilangan ng iba’t ibang lahi o nationalities.

Facebook Comments