Manila, Philippines – Tatlong buwang pinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang isang alkalde ng Samar dahil sa kasong Simple Neglect of Duty at paglabag sa revised penal code.
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na tumanggap ng mahigit P380,000 cash advance si Talalora, Samar Mayor Leonilo Costelo noong 2014 para sa isang forum at budget sa relief operations.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa ayos ang mga dokumento para rito.
Sa counter affidavit naman ng alklade aniya, kasamang nasalanta noong Bagyong Ruby ang mga dokumento para sa liquidation kaya kailangan pa ito itong i-reconstruct na nagresulta ng delay.
Gayunman, ibinasura ito ng Ombudsman at sinabing bago pa man tumama ang bagyo ay naka-attach na ang nasabing cash advance.
Facebook Comments