NANLABAN | Nars na nag-amok, patay matapos manlaban

Talisay, Cebu – Patay ang isang lalaking nurse matapos manlaban sa mga rumespondeng pulis sa loob ng isang mall sa Talisay, Cebu.

Sa ulat, pumasok sa isang restaurant ang suspek na si Michelle Jeff Gabutan at bigla na lang siyang nagpaputok gamit ang 42 magnum revolver.

Nag-panic naman ang mga tao habang tinamaan sa tuhod ang isang management trainee na si Chairt Cardiente.


Pero sa halip na sumuko, tinutukan pa ng baril ni Gabutan ang mga pulis kaya siya binaril.

Isinugod pa sa ospital ang suspek matapos na tamaan sa dibdib pero idineklara rin siyang dead-on-arrival.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang dahilan ng pagpapaputok niya ng baril sa loob ng mall.

Facebook Comments