Simpleng hero’s welcome ibinigay kay Pacman

General santos City— taliwas sa nakaugaliang bonggang Heroes Welcome kay Boxing Senator Manny “”PACMAN” Pacquaio naging simple ang ginawang heroes’ Welcome sa kanya kaninang alas 3:00 ng hapon dito sa Gensan.

Sinalubong ng mga opisyal at Empleyado ng Gensan at Sarangani si Pacman pati narin ng mga kapatid at ibang kamag-anak nito na hindi nakasama ng Australia.

Kung nuon ay may motorcade, ngayon ay wala na., mula sa Gensan City Airport dumaan ang Convoy sa Diversion Road at dumiretso sa kanyang Mansion sa Barangay City Height Gensan. Wala na ring press conference at hindi rin pinayagan ang ambush interview kay Pacman.


Sinabi ni Lady Manalo, assistant Head ng Gensan sports Division na ito ang napag-usapan kanina sa isinagawang joint meeting ng LGU Gensan, LGU Sarangani, Office of City Traffic, Joint Task Force Gensan at PNP itoy para bigyan ng pagkakataon ang fighting senator na makapagpahinga matapos ng laban nito okay Jeff Horn kahapon sa Brisbane Australia.

Facebook Comments