Election Officer sa bayan ng Barili ,Cebu patay sa pamamaril

188

Patay ang election officer sa bayan ng Barili sa Cebu, matapos pagbabarilin sa may merkado publiko sa Brgy. Poblacion .
Ang biktima ay kinilala na si Cris Flores, taga Poblacion Barili Cebu.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Barili Police Station, na nakatayo lang ang biktima sa may pawnshop sa nasabing lugar ng barilin ng hindi pa nakilalang mamumuno.
Ang suspek ay mabilis na sumakay sa naka-abang na motorsiklo matapos sa pamamraril.
Patuloy pang inaalam ng kapolisan kong may koneksyon sa kanyang trabaho bilang election officer sa nasabing bayan ang biktima .
Inaasahan na makatutulong ang CCTV camera ng isang establisemento malapit na pinangyarihan ng pamamaril.
Ikinalungkot naman ni Cebu Provincial Comelec Supervisor Atty.Lionel Marco Castillano ang pagkamatay ni Flores.

DYHP RMN Cebu, election officer, patay, pamamaril

Facebook Comments