Simulan ang bagong taon ng tama, suportahan ang hapag movement at labanan ang gutom kasama ang Globe at SMAC

Sa pagpasok natin sa bagong taon, panahon na naman para sa resolutions at isang bagong simula. Kung nais ninyong

gumawa ng positibong bagay sa lipunan, ikonsidera ang pagsuporta sa Hapag Movement kasama ang Globe at SMAC (SM Advantage Card).

Ang Hapag Movement ay isang technology-driven program laban sa involuntary hunger, na pinasimulan ng Globe upang tulungan ang mga Pilipino na naapektuhan ng pandemya. Layon nito na tulungan ang may 100,000 pamilya na nakararanas ng gutom sa pamamagitan ng supplemental feeding at livelihood assistance.

At ngayo’y mas madali nang suportahan ang Hapag Movement. Nagsanib-puwersa ang Globe at SMAC upang mabigyan ng pagkain ang mga patuloy na nakararanas ng gutom, na sa pagtaya ng Social Weather Stations (SWS) ay nasa 15 milyong indibidwal.


Sa paglahok sa partnership, P50 ang ido-donate sa Hapag Movement at iba pang SM Foundation programs sa tuwing bibili ng bagong SMAC.

Makalilikom din ng hanggang 1,000 extra SMAC points kapag namili sa mga piling tindahan, kabilang ang SM Store, SM Beauty, SM Appliance, Kultura, Surplus, Our Home, Baby Company, Crate and Barrel, Levi’s, The Body Shop, Forever21, Ecco, at Miniso.  Kalahati sa extra points na ito ay ido-donate sa Hapag Movement hanggang January 15, 2023.

Ang partnership sa pagitan ng Globe at ng SMAC ay isang paraan para makatulong ang mga shopper sa mahihirap na Pinoy. Sa paglahok sa programa ay natutulungan din silang mabigyan ng pag-asa sa bagong taon.

“As we kick off the new year, it’s important to remember that there are still many people in our communities who are facing the challenges of hunger.  This can be a difficult and overwhelming time but we can work together towards creating a more compassionate and supportive community for all,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.

“Let us start the New Year by doing good. You can do this while doing your New Year shopping at SM and partner brands using your SMAC (SM Advantage Card). You get to tick-off your shopping list, earn extra points, and lend a hand at the same time. It’s a win-win for all as we welcome 2023 with kindness and love,” sabi ni Jay Beltran, SMAC SAVP Head of Sales and Marketing.

Facebook Comments