NCRPO chief, sumailalim sa drug test kasunod ng panawagang resignation ni DILG Sec. Abalos

Sumailalim sa drug test si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Jonnel Estomo bilang suporta sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos hinggil sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.

Maging ang iba pang mga opisyal ng NCRPO ay sumailalim din sa drug test kanina.

Bago ito ay nagkaroon muna ng special meeting ang mga opisyal ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.


Tiniyak din ni Estomo na 100% ng 67 na generals at colonel ng NCRPO ang boluntaryong magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Facebook Comments