Manager ng isang bangko, kulong dahil sa panunutok ng Baril sa dalawang menor de edad

339

Pagadian City, Zamboanga del sur—Kulong ang isang bank manager matapos tutukan ng baril ang dalawang menor de edad sa Pagadian City sabado ng madaling araw.
Nahaharap sa kaso si Jophet Daguman Daug, 38 anyos,branch manager ng isang bangko nakatira sa Barangay Sapa Loboc, Aurora, Zamboanga Del Sur.
Sa ulat dakong alas-12 ng madaling araw habang sakay sa kanyang Toyota Avanza, biglang kinuha ng suspek ang kanyang baril at itinutok sa dalawang bata.
Mabilis na nakaresponde naman ang pulisya sa naturang insidente kayat naaresto ang suspek na ngayo’y nakakulong na sa Pagadian City Police Station. Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang kalibre 45 na pistola at walong bala.

Facebook Comments