Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng Kalayaan ngayong araw ng Biyernes ay isinagawa naman ang ‘Todas Dengue, Todo Na’to Ika-Pitong Kagat’ ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ayon kay Atty Elizabeth Binag, tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, abala ngayon sa paglilinis ang mga empleyado ng ahensya ng gobyerno at iba pang mga ahensya bilang pakikiisa sa silmultaneous at massive cleanup drive.
ito ay taunang ginagawa sa probinsya na naglalayong mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue at mapigilan rin ang pagkalat ng dengue fever at iba pang sakit na dala ng lamok.
Ginagawa ang paglilinis sa bawat barangay sa Lalawigan sa pangunguna na rin ni Isabela Governor Rodito Albano III.
Tiniyak naman nito na masusunod pa rin ang mga ipinatutupad na protocols gaya ng social distancing habang isinasagawa ang paglilinis sa mga madamo at matubig na lugar na maaaring pamugaran ng lamok.