SIMULTANEOUS TREE PLANTING ACTIVITIES, ISINAGAWA NG PNP CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang PNP Cauayan sa simultaneous Tree planting activities na programa ng Isabela Police Provincial Office na ginanap kaninang umaga sa Barangay Cabaruan, Cauayan City sa pangunguna ni Police Major Esem Galiza.

Tinatayang nasa apatnapu na punong kahoy ng Mahogany ang sabay sabay na itinanim ng kapulisan sa naturang barangay.

Layunin ng naturang programa na makatutulong sa ating kalikasan at para ma-restore ang dating anyo ng ozone layer na nagpoprotekta sa mga tao laban sa epekto nitong radiation.

Ang pagtatanim ng punong kahoy ng mga kapulisan ay bahagi na ng kanilang programa para makatulong sa pagpaparami ng mga punong kahoy sa Syudad at magkaroon na rin ng preskong hangin.

Bukod dito a layon din ng tree planting activity ng kapulisan na makatulong para maiwasan ang landslide na kadalasang nararanasan ng probinsya ng Isabela tuwing tinatamaan ng kalamidad.

Facebook Comments