CLEAN UP DRIVE, ISINAGAWA NG KAPULISAN SA PALIGID NG PRIBADONG PAMILIHAN

Cauayan City, Isabela-Matagumpay na isinagawa ang clean up drive ng PNP Cauayan sa paligid ng pribadong pamilihan ng Cauayan City katuwang ang Kaakibat Civicom.

Nagtulong-tulong ang kapulisan at ilang volunteers sa paglilinis sa palibot ng private palengke dahil na rin sa mga nagkalat na basura.

Ito ay bahagi na rin ng kanilang regular na aktibidad sa Lungsod upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan.

Una nang nagsagawa ng clean up drive ang mga kapulisan sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod bilang tulong na rin sa komunidad pagdating sa usaping kalinisan.

Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay maglilibot pa ang mga pulis para muling mamulot ng basura at maglinis

Facebook Comments