Sin Tax Coalition, kinondena ang Senado sa pagpasa ng mga panukalang batas na nagluluwag sa restrictions sa vape at heated tobacco

Kinondena ng grupong Sin Tax Coalition ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng dalawang Senate bill o panukalang batas na nagluluwag sa mga paghihigpit sa paggamit ng vape at heated tobacco products.

Sa isang virtual presser, iginiit ng Sin Tax Coalition na ang aksyon ng Senado ay isang pagtraydor sa mga Pilipino na ipinagkatiwala ang kanilang kinabukasan sa mga mambabatas.

Ayon sa grupo, habang doble ang pagsisikap ng gobyerno na magsalba ng buhay dahil sa COVID-19 pandemic, inilalagay naman sa peligro ang buhay ng mga Pilipino dahil sa patalikod na aksyon ng mga senador.


Aaanhin anila ang bilyong pisong kikitain ng gobyerno kung malalagay sa panganib ang kalusugan ng publiko.

Sa ilalim ng SB 2239, ibinababa nito ang age limit mula 21 patungong 18 anyos sa mga papayagang gumamit ng vape at heated tobacco.

Habang inililipat naman ang regulatory powers mula Food and Drug Administration patungong Department of Trade and Industry.

Dahil dito, itinuring ng Senado ang vape at heated tobacco products bilang mga products of leisure na walang adverse effects sa kalusugan.

Facebook Comments